Israel ibinahagi sa Pilipinas ang best practices nito sa cybersecurity para sa financial sector
Isinulong ng Israel Embassy ang mas maraming partnerships sa pagitan ng Pilipinas at Israel sa larangan ng cybersecurity.
Inihayag ito ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa virtual event kung saan ibinahagi ng Israel ang expertise at technologies nito sa cyberprotection partikular sa financial sector.
Isinagawa ang aktibidad sa harap ng mga lumalaking hamon at banta sa financial institutions sa buong mundo.
Ayon sa Israeli Ambassador, ang hinahangad niya ay makita ang paglago sa kooperasyon ng dalawang bansa sa innovation at teknololohiya sa cybersecurity field.
Sinabi ng embahada na ang Israel ang isa sa mga lider sa cybersecurity expertise sa buong mundo.
Inihayag naman ni BSP Governor Benjamin Diokno ang mga hamon sa financial sector at ang cybersecurity ecosystem ng bansa.
Nais din ng opisyal na magkaroon ng pagtutulungan ang dalawang bansa partikular sa threat intelligence system at pagtatatag ng national CERT o Computer Emergency Response Team.
Dumalo rin sa aktibidad ang Bankers Association of the Philippines kung saan ipinunto rin nito ang kahalagahan ng kolaborasyon sa cybersecurity.
Moira Encina