Israel minister, nasuspinde dahil sa nuclear ‘option’ comment sa Gaza

People carrying some of their belongings reach the central Gaza Strip on foot via the Salah al-Din road on their way to the southern part of the Palestinian enclave on November 5, 2023. Leaflets dropped by the Israeli army on November 5, urged Gaza City residents to evacuate south between 10 am (0800 GMT) and 2 pm (1200 GMT), a day after a US official said at least 350,000 civilians remained in and around the city that is now an urban war zone. (Photo by MOHAMMED ABED / AFP)

Isang Israeli minister ang nasuspinde mula sa government meetings “until further notice,” ayon sa tanggapan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu makaraan nitong imungkahi sa isang panayam ang pagpapakawala ng isang nuclear bomb sa Gaza.

Ang mga komento ni Heritage Minister Amichay Eliyahu na nagsusulong ng isang mabangis na tugon militar sa mga pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7 kahit na ikamatay pa ito ng mga bihag na pinaniniwalaang nasa Gaza, ay umani rin ng batikos mula sa mga pamilya ng mga bihag.

Si Eliyahu, na isang ultranationalist politician na bahagi ng ruling coalition ni Netanyahu, ay nagsabi sa Kol Barama radio ng Israel na hindi siya lubos na nasisiyahan sa lawak ng pagganti ng Israel sa Palestinian territory matapos isagawa ng Hamas fighters ang kanilang deadly attacks sa loob ng southern Israel.

Ayon sa Israeli officials, ang naturang pag-atake ay ikinasawi ng 1,400 katao, karamihan ay mga sibilyan.

Ang military campaign naman ng Israel sa Gaza simula noong Oktubre 7 ay ikinasawi na ng 9,488 people, karamihan ay mga babae at bata, ayon naman sa Hamas-run health ministry.

Nang tanungin ng interviewer kung itinataguyod ba niya ang pagpapakawala ng “ilang uri ng atomic bomb” sa Gaza Strip “upang patayin ang lahat,” sumagot si Eliyahu, “That’s one option.”

Agad namang tumugon ang tanggapan ni Netanyahu sa pamamagitan ng isang pahayag, kung saan inilarawan nito ang sinabi ni Eliyahu na “walang koneksiyon sa reyalidad” at idinagdag na tinatangka ng Israel na huwag madamay ang “non-combatants” sa Gaza.

Sa isang follow-up question naman tungkol sa tinatayang 240 hostages na pinipigil sa Gaza ay sinabi ni Eliyahu, “in war we pay a price.”

Aniya, “Why are the lives of the hostages… more important than the lives of the soldiers?”

Binatikos naman ng Hostages and Missing Persons Families Forum, na kumakatawan sa mga kaanak ng mga taong binihag at dinala sa Gaza ng Hamas militants, ang anila’y “reckless and cruel” statement ni Eliyahu.

Sa kanilang pahayag ay nakasaad, “International law, along with fundamental principles of human morality and common sense, strictly prohibits the use of mass destruction weapons.”

Kasunod naman ng mga puna tungkol sa kaniyang pahayag, sinabi ni Eliyahu sa kaniyang post sa social media, “my statement about the atomic bomb was metaphorical.”

Aniya, “Israel was committed to doing everything possible to return the hostages safe and sound.”

Kahit kailan ay hindi inamin ng Israel na mayroon itong nuclear bomb.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *