Israel, nag-alok ng Covid vaccine booster sa mga edad 12 pataas
JEEUSALEM (AFP) – Pinalawak pa ng Israel ang access sa ikatlong coronavirus vaccine shot sa sinumang nasa edad 12 pataas.
Giit ni Prime Minister Naftali Bennet, epektibong paraan ito para mapigilan ang paglaganap ng infection.
Aniya . . . “The third dose of the vaccine works, and it was now available from age 12 and up. With two million Israelis having received a third shot, the results are clear as the increase in severe morbidity has begun to slow.”
Sinabi naman ni health minister Nitzan Horowitz, na walang pag-aalinlangang mabisa ang ikatlong dose ng bakuna sa pagpigil sa infection, at mababawasan din ang panganib na magkaroon ng malubha at nakamamatay na sakit.
Kahapon (Linggo), ang Israel ay nakapagtala ng 7,000 mga bagong kaso ng Covid-19, at ito ay isinisisi sa lubhang nakahahawang Delta variant.
Agence France-Presse