Israel nag-donate ng handwashing facility sa Makati High School
Nagkaloob ang Israel ng handwashing facility sa Makati High School bilang suporta sa Brigada Eskwela ng Department of Education ngayong taon.
Ayon sa Israel Embassy, ang handwashing station ay ginawa ng MASHAV na Agency for International Development Cooperation ng Israel.
Sinabi naman ni Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz na mahalaga para sa epektibong pagkontrol at pag-iwas sa sakit ang mga sanitation facilities lalo na ngayong Covid-19 pandemic.
Inihayag ni Harpaz na pinapahalagahan ng Israel ang kalusugan at edukasyon kaya nila ginawa ang handwashing facility.
Sa oras anya na magbukas na muli ang mga klase sa mga paaralan ay magagamit ang pasilidad ng mga estudyante at mga guro.
Una na ring nag-donate ang Israel ng printing equipment sa DepEd bilang tulong sa distance learning ngayong pandemya.
Moira Encina