Israel, naglagay ng rapid testing stations sa buong bansa
JERUSALEM (AFP) – Naglagay ng rapid coronavirus testing stations ang Israel sa magkabilang panig ng bansa, upang maiwasan ang pandemic lockdown.
Batay sa pahayag ng Magen David Adom o MGA emergency service, kasunod ito ng kahilingan mula sa Ministry of Health.
Target ng testing centers ang mga hindi pa nabakunahan, at yaong mga gumaling mula sa COVID-19 na nangangailangan ng health pass. Ang resulta ng test ay agad na makukuha makalipas ng 15 minuto.
Sa nakalipas na linggo, ang Israel ay nakapagtala ng average na higit sa tatlong libong bagong kaso kada araw, pinakamataas mula Abril.
Ayon kay Health Minister Nitzan Horowitz . . . “Lockdown will be imposed as a last resort and we will do everything to avoid it.”
Agence France-Presse