Israeli Ambassador to the Philippines Effie Ben Matityau muling bumisita sa Central Office at nag courtesy call sa INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo..Pakikipagkaibigan ng Israel sa INC, nais pagtibayin
Sa ikalawang pagkakataon, bumisita sa central office ng Iglesia Ni Cristo si Israeli Ambassador to the Philippines H.E. Effie Ben Matityau at nag- courtesy call kay INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo sa pagtatapos ng kanyang gampanin sa bansa.
August 2014 nang magsimulang manungkulan bilang Ambassador to the Philippines si Ambassador Matityau.
Ayon sa opisyal, aalis ito ng bansa baon ang masasayang ala- ala ng mainit at magiliw na pakikitungo ng mga filipino, kabilang na ang malapit na pakikipagkaibigan ng kanilang bansa sa Iglesia Ni Cristo.
Sa kanyang pagbisita sa INC Central Office, mainit itong binati at sinalubong ng mga ministro at volunteer workers ng central office bit- bit ang maliliit na bandila ng INC at Israel.
Layon ng nasabing pagbisita na mapatibay pa ang pagkakaibigan ng israel at ng Iglesia Ni Cristo.
September 2016 nang unang bumisita sa Central Office ang ambassador.
Ayon kay INC protocol officer Brother Joel San Pedro, ang ikalawang pagbisita ni Ambassador Matityau ay courtesy call bago matapos ang trabaho ng ambassador sa bansa at mapagtibay muli ang pagkakaibigan ng bansa nito sa INC Executive Minister at sa buong kapatiran ng INC.
“Since Ambassador Effie Ben Matityau is closing his tour of duty as ambassador of Israel to the Philippines, he wanted to have the opportunity to see again Brother Eduardo Manalo because of the friendly relationship that he has with the Executive Minister and that relation that Israel has with the Iglesia Ni Cristo,”
Binigyang diin pa ni Brother San Pedro ang pagbabahagi ng bansang Israel ng kanilang kaalaman sa teknolohiya sa usapin ng agrikultura.
Sa bahagi naman ni Ambassador Matityau, pinapurihan nya ang mga pagsisikap ng INC na mapa- unlad ang eco-farming communities hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang panig ng mundo.
Anya, ang mga programang ito ay nakakatulong din sa pagsugpo ng kahirapan sa bansa.
Sa tala, nasa 29 na ang eco-farming communities na ang pagmamay-ari ng Iglesia Ni Cristo dito sa Pilipinas at Africa, at maraming lugar at bansa pa ang kanilang tinitingnan.
Matatandaan na nito lamang Mayo a-sais, nagsagawa ang INC ng Worldwide Walk to Fight Poverty na nilahukan ng mahigit 300 sites sa 18 time zones.
Ayon sa Israeli ambassador, kapuri- puri ang pagtatayo ng INC ng mga eco-farming communities.
Samantala tiniyaka naman ng opisyal na lagi nilang tatratuhing maayos ang mga overseas Filipinos na nagtatranbaho sa kanilang bansa.
Bukas din anya ang kanilang bansa para sa mga pinoy na nais bumisita sa kanilang bansa.
Sa katunayan anya ay walang visa requirements para sa mga pinoy na nais bumisita sa Israel ng hanggang syamnapung araw.
photo ctto:INCPIO