Israeli water technology firms,ibinida ang mga produkto at serbisyo sa Pinoy companies
Sa harap ng nararanasang El Niño sa bansa, iprinisinta ng siyam na Israeli companies sa mga lokal na kumpanya ang mga iniaalok nitong water technology solutions na makatutulong para mas mabuting mapangasiwaan ang water resources ng Pilipinas.
Sa Israel- Philippines Water Tech Innovation Forum, sinabi ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na malaki ang demand sa Pilipinas ng water technology products at services ng Israeli firms na nasa bansa ngayon
Ayon kay Fluss, handa ang Israel na ibahagi sa Pilipinas ang best practices, regulasyon at mga teknolohiya na mayroon ito pagdating sa water
management.
Aniya, kahit dryland country ang Israel ay wala silang problema sa ngayon sa suplay ng tubig dahil sa mga binuo nilang polisiya, sistema at innovations.
Sa ngayon aniya ay may Pinoy firm na ang gumagamit ng satellite technology ng isang Israeli firm para ma-detect ang mga tagas o water leakages.
Umaasa naman si Israel Economic Mission to the Philippines Head Tomer Heyvi na magbubunga ng mas marami pang kolaborasyon sa pagitan Israeli at Filipino companies ang pagtungo sa bansa ng water tech firms.
Moira Encina