Istriktong pagsunod sa Suggested Retail Price o SRP sa mga bilihin, ipatutupad ng Malakanyang
Inatasan ng Malakanyang ang Department of Trade and Industry o DTI na higpitan ang pagpapatupad ng Suggested Retail Price o SRP sa mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananamantala ng ilang tiwaling negosyante sa presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng TRAIN Law.
Ayon kay Roque, totoong may epekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang Train law subalit hindi dapat kasing-taas ng presyo na ipinatutupad ng mga mapagsamantalang negosyante.
Inihayag ni Roque, sinumang mapapatunayan na nagsasamantala sa presyo ng mga bilihin ay mananagot sa batas. inaangalan ngayon ng publiko ang mataas na presyo ng mga bilihin dahil sa nakapaloob na Excise Tax sa Train Law.
Ulat ni Vic Somintac