Isyu ng Human Rights violation sa war on drugs ng Duterte administration hindi natalakay sa ASEAN Inter-Parliamentary meeting
Bigong mapag-usapan ng mga mambabatas mula aa Southeast Asia ang extra judicial killings sa bansa kaugnay sa anti drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Dangerous Drugs Committee Chair Robert Ace Barbers, bagaman inirekomenda nila ang pagsasagawa ng Oplan Tokhang at Oplan Double barrel sa mga dumalo sa 13th meeting ng Asean Inter-Parliamentary Assembly Fact Finding Committee ay wala namang nagtanong sa mga umano’y human rights violation nito.
Sinabi ni Barbers na sa pagtutulungan at mga estratehiya upang masugpo ang iligal na droga sa Southeast Asia sumentro ang pulong ng mga dumalo aktibidad.
Sa nasabing pulong nagkaroon ayon sa mambabatas ng information sharing may kaugnayan sa problema sa iligal na droga ng ASEAN member-countries.
Natalakay din dito ang mga epektibong hakbang o estratehiya na ginagawa ng mga bansa sa Southeast Asia upang labanan ang iligal droga.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo