Isyu ng mga sinasabing special agreement sa Tsina, dapat nang tuldukan ayon sa DFA
Kinontra ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ng Embahada ng China na may kasunduan noong 2016 na hindi mangingisda ang mga Pilipino sa lagoon ng Bajo De Masinloc, at maglalayag lang ang mga barko ng Pilipinas sa loob ng 12 nautical mile nito.
Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, dapat nang itigil ang mga usapin sa mga sinasabi ng China na mga katulad na special agreement kaugnay sa mga isyu sa West Philippine Sea.
Aniya, “I think we should put an end to this issue of special agreements. We’ve already heard so many terminologies. No one in government and DFA including will actually act on any agreement whether it’s verbal that will actually violate our Constitution.’
Si Pangulong Bongbong Marcos na mismo aniya ang nagpahayag na ipinapawalang-bisa nito ang mga nabanggit na kasunduan kung mayroon man.
Sinabi pa ni Daza, na ginugulo lang ng mga pinalalabas na kasunduan ang publiko mula sa mga tunay na usapin tulad ng iligal na panghihimasok ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas, at ang mga mapanganib na aksyon ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Ayon kay Daza, “The key issue here i, China is actually illegally in our eez, is undertaking dangerous actions, aggresive actions against our vessels. Depriving our fisherfolks of their right to fish in our waters. This is the core issue. This is the issue we should focus on.”
Moira Encina