Isyu sa kakulangan sa fertilizer at iba tinutugunan ng DA
Tinatayang 500 metriko tonelada ng fertilizer mula sa China at Malaysia ang inaasahang darating sa bansa ngayong linggong ito.
Ito ay sa pamamagitan ng Government to Government Transaction.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Usec. Domingo F. Panganiban, makakakuha ng fertilizer ang mga magsasaka sa pamamagitan ng loan na ipinagkakaloob ng kagawaran para sa mga legit farmers.
Samantala, sinabi rin ni Panganiban na ginagawan na rin nila ng kaukulang hakbang ang isyu tungkol sa kakulangan ng asin para sa coconunut fertilizer.
Ayon pa kay Panganiban ang karaniwang asin ay ginagamit bilang pataba upang Irehabilitate ang mga puno ng niyog na kulang sa chlorine para mapataas ang produksyon ng niyog at ani ng kopra.
Belle Surara