ITCZ at Easterlies, umiiral sa bansa ngayong Huwebes
Dalawang weather system ang nakakaapekto sa bansa ngayong araw.
Ayon sa Pag-Asa, Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Dagat Pasipiko ang patuloy na umiiral sa Luzon kaya maalinsangang panahon ang mararanasan partikular sa Northern at Central Luzon kasama ang Metro Manila.
Mababa rin ang tsansa ng mga pag-ulan sa bahaging ito ng bansa dahil sa nasabing weather system.
Ang mga rehiyon ng Bicol, Mimaropa at Calabarzon ay apektado rin ng Easterlies pero pagsapit ng hapon at gabi ay makararanas ng mga pulu-pulong pag-ulan.
Maaaring umabot ng hanggang 35 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw pero posibleng umabot ng 40 degree celsius ang Heat index.
Samantala, dahil sa umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Visayas at Mindanao partikular sa Davao at SOCCSKSARGEN Region ay magiging maaraw at maalinsangan pero sa dakong hapon at gabi ay magiging maulan.
Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng pulu-pulong pag-ulan.