ITCZ, magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong araw
Magiging maulan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Biyernes dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa Timugang Mindanao.
Ayon sa Pag-Asa weather forecasting center, maaapektuhan rin ng mga katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms ang Palawan islands, Zamboanga Peninsula, Negros Island at Western Visayas.
Magiging maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ang mararanasan naman sa Metro Manila at ilang nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, magiging light to moderate naman ang lakas ng hangin mula sa Timugang-Kanlurang bahagi ng bansa na magdudulot din ng bahagya hanggang sa katamtamang pag-alon sa mga baybaying bahagi ng bansa.