ITCZ, nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes
Inaasahang ngayong araw ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayang Low Pressure Area.
Ayon sa PAGASA, kaninang alas-3:00 ng umaga ay namataan ang sama ng panahon sa layong 280 kilometers Kanluran ng Subic, Zambales.
Hindi ito inaasahang magiging isang bagyo pero nakapaloob pa rin ito sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) na siya namang nagdadala ng mga pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Dahil sa ITCZ, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at posibleng malakas na pagbuhos ng ulan ma maaaring magdulot ng flash floods at pagguho ng lupa.
Dito naman sa Metro Manila, magiging maaliwalas na ang panahon bagamat asahan pa rin ang banta ng mga pag-ulan sanhi ng thunderstorms.
Sinabi pa ng weather bureau na wala silang namomonitor na sama ng panahon o bagyo sa loob at labas ng bansa sa susunod na 2-3 araw.