ITCZ nakakaapekto sa Mindanao, Easterlies naman sa Luzon at Visayas ngayong Linggo
Walang namomonitor na sama ng panahon o bagyo ang PAGASA weather forecasting center na maaring mabuo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
Dahil dito ayon sa weather bureau, maaliwalas na panahon ang inaasahang ngayong Linggo hanggang sa susunod na tatlong araw.
Easterlies ang umiiral sa Luzon at Visayas kaya asahan ang bahagyang maulap na papawirin na may mga tsansa ng biglaang pagbuhos ng ulan sanhi ng thunderstorms.
Partikular dito ang mga probinsiya ng Quezon, Aurora, Camarines Sur at Norte, Albay at Catanduanes.
Habang sa Mindanao ay umiiral ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) kaya asahan din ang mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa thunderstorms.
Inaasahang papalo ng hanggang 37 degree celsius ang temperatura sa Tuguegarao city, Cagayan, 26 degrees naman sa Baguio city at hanggang 32 degress naman sa Metro Manila.
Sa Mindanao ay papalo ang pinakamataas na temperatura ngayong araw sa Zamboanga city na nasa 34 degrees habang sa Visayas ay sa Cebu na aabot ng hanggang 32 degrees celsius ang temperatura.