Itinuturong big time drug supplier sa Visayas na si Peter Go Lim hindi sinipot ang pagdinig sa drug case laban sa kanya
Hindi nagpakita sa pagdinig ng DOJ ang sinasabing big time drug supplier sa Visayas na si Peter Go Lim kaugnay sa reklamong isinampa laban sa kanya ng PNP – CIDG dahil sa pakikipagsabwatan sa illegal drug trade.
Paglabag sa section 26-b ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na pagbebenta, pamamahagi at pangangalakal ng iligal na droga ang ikinaso laban kay Lim.
Kasama sa mga sinampahan ng kaparehong reklamo dahil sa hinalang pakikipagsabwatan sina Kerwin Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.
Ang mga abogado ni Lim ang humarap sa DOJ panel of prosecutors sa pangunguna ni Atty. Magilyn Loja mula sa Esguerra and Blanco Law Office.
Tiniyak ni Atty. Loja na nasa Pilipinas ang kanyang kliyente.
Papayuhan aniya nila si Lim na dumalo sa susunod na hearing para mapanumpaan ang kanyang counter-affidavit.
Una na aniyang nabanggit ni Lim na nanganganib ang kanyang buhay.
Samantala hindi rin nakadalo ang ibang respondents maliban kay Kerwin eEpinosa na nasa ilalim ng WPP.
Humarap naman para kay Peter Co si Bilibid OIC in charge Supt. Roberto Rabo.
Itinakda naman ng DOJ ang susunod na preliminary investigation sa August 24.
Ulat ni: Moira Encina