Itinuturong suspek sa pagpatay sa Cebu Lawyer na si Atty. Joey Luis Wee, naaresto na ng mga otoridad
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nadakip na ng mga otoridad ang itinuturong suspek sa pagpaslang sa Cebu lawyer na si Atty. Joey Luis Wee.
Sinabi ni NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin na naaresto ang suspek bandang alas-11:00 ng gabi ng Martes.
Wala nang ibinigay na ibang detalye ang opisyal dahil sa nagsasagawa ng follow-up operations ang NBI.
Namatay si Wee matapos tambangan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo habang papasok sa kanyang opisina sa Brgy. Kasambagan, Cebu City noong November 23.
Hinawakan ng 51-anyos na abogado ang ilang high-profile cases sa Cebu City.
Si Wee ang abogado ng mga dating opisyal ng Department of Public Workd and Highways (DPWH) na hinatulang guilty sa kurapsyon kaugnay sa kontrobersyal na pagbili ng street lamps para sa 2007 Asean Summit.
Moira Encina