Itlog, bahagi umano ng healthy diet ng isang tao….at hindi i nakapagpapataas ng kolesterol – ayon sa pag aaral
Maraming tao ang nangangamba sa tuwing sila ay kakain ng itlog.
Ang dahilan, nakapagpapataas umano ito ng kolesterol level.
Ngunit, may magandang balita para sa mga taong madalas kumakain ng itlog.
Sa patuloy pang pag aaral, pinatunayan ng mga eksperto, na ang pagkain ng itlog ay bahagi ng healthy diet.
Sa pag aaral na ginawa sa China, sinasabing ang itlog ay hindi nakapagpapataas ng kolesterol level, kaya naman walang dapat ipangamba dahil wala umano itong kaugnayan sa coronary Heart Disease.
Mas may matinding impact umano sa puso ang pagkain ng sagana sa fat content, lalo na ang saturated fats at trans fatty acid.
Sinasabi sa ginawang pag aaral sa nabanggit na bansa….na nakatutulong umano ang itlog sa mga nais magpapayat dahil kapag sa agahan ay kumain ng itlog, makararamdam agad ng kabusugan.
Malaki din umano ang maitutulong ng pagkain ng itlog upang maiwasan ang pagkakaroon ng katarata, at makatutulong sa kalusugan ng mga mata.
Sabi naman ng mga nutritionist…ang itlog ay mayaman sa Riboflavin, Folate, Iron, Phosphorus, Selenium, Magnesium, Vitamin A, E, at B6.
Marami pang benepisyong pangkalusugan ang pagkain ng itlog, paalala lamang ng mga eksperto, mas mainam na ito ay inilalaga kaysa sa ipiniprito.
Ulat ni Belle Surara