J.K. Rowling nangako ng hanggang £1M para sa mga kabataan sa Ukraine

Author J.K. Rowling arrives at the RFK Ripple of Hope Awards at New York Hilton Midtown on December 12, 2019 in New York City.AFP / Getty Images / Dia Dipasupil

Nangako ang “Harry Potter” author na si J.K. Rowling ng donasyon na hanggang £1 million ($1.3 million, 1.2 million euros), sa isang charity na isa siya sa nagtatag, upang tulungan ang mga kabataan sa Ukraine.

Ang Lumos ay itinatag ng manunulat noong 2005 “para tapusin ang systematic institutionalisation” ng mga kabataan, kabilang na ang sa Zhytomyr region sa kanluran ng Kyiv, kapitolyo ng Ukraine.

Ayon sa Lumos charity, ang lugar kung saan higit sa 1,500 kabataan ang na-trap sa mga orphanage bago pa man ang pagsalakay, ay inaatake ngayon ng Russian forces.

Nais nito na agad nang matapos ang military action para protektahan ang tinatayang 100,000 mga batang naninirahan sa mga institusyon sa Ukraine, at mapigilan ang mas marami pang pamilya na magkahiwa-hiwalay.

Bilang tugon sa apela ng Lumos na pondohan ang “urgent supplies” at ang pangangalaga sa mga bata na nasa orphanages ay nagpost sa pamamagitan ng tweet si Rowling kung saan nakasaad . . . “I will personally match donations to this appeal, up to £1m.”

Ang mga donasyon ay gagamitin para sa pagkakaloob ng emergency food, hygiene at medical kits, at pagpopondo upang masuportahan ang mga pamilya at foster carers sa pangangalaga sa “displaced and traumatised youngsters.”

Please follow and like us: