Jail Integration Act, tinatalakay ngayon sa Senado
Sinimulan nang dinggin ng Senado ang mga panukalang batas na mailipat na sa kontrol ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kontrol sa mga Provincial at mga Sub-Provincial jail sa buong bansa.
Tatlong panukala ang kasalukuyang nakapending sa Senado na layong i-decongest rin ang mga bilangguan sa buong bansa.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, sinabi ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na pabor sila sa panukala dahil kulang ang kanilang security para bantayan ang bilangguan.
Sinusuportahan rin ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. ang panukala dahil malaki ng problema nila ngayon sa mga bilanggo kung paano sosolusyunan ang physical distancing dahil sa Covid Pandemic.
Pero kung ipupursige aniya ito ng gobyerno, hiniling ng opisyal na i-absorb ang kanilang mga empleyado sa mga bilangguan na maaaring mawalan ng trabaho sakaling kunin na ng BJMP ang kontrol dito.
Meanne Corvera