January 12 ideneklarang local holiday sa bayan ng Villasis, Pangasinan
Opisyal na ideneklara ng lokal na pamahalaan ng Villasis na walang pasok sa lahat ng antas ng mga mag-aaral at mga tanggapan sa pribado at pampubliko, bukas Enero 12.
Ayon kay Mayor Nonato Abrenica, ito ay upang bigyang daan ang selebrasyon ng Talong Festival 2018 sa bayan.
Ayon sa alkalde, dadaluhan ng mga mag-aaral at ng 21 Barangay ng Villasis ang isasagawang selebrasyon, kung saan ay tampok ang pagluluto ng pakbet sa kawa na ang pangunahing sangkap ay ang ipinagmamalaking talong na produkto ng mga magsasaka sa nasabing bayan.
Ang pagsasaka ay pangunahing ikinabubuhay ng mga residente sa Villasis, na matapos ang pagtatanim ng palay ay abala ang mga magsasaka sa pagtatanim ng mga sangkap ng pinakbet partikular na ang talong.
Ulat ni Nora Dominguez