Eroplano sa Japan ginawang restaurant
TOKYO, Japan (AFP) – Maaaring hindi kasama sa ma-miss ng marami ngayong pandemya ang pagkain sa eroplano, subalit may isang Japanese carrier na dinadagsa ng mga customer para maranasan ang luxury in-flight meals, sa mga nakaparada nilang eroplano.
Foie gras, crabmeat mousse at wagyu beef fillet, lahat ito ay kasama sa menu ng isang aircraft na pag-aari ng All Nippon Airways (ANA) ng Japan – sa halagang $540.
Inilunsad ng airline ang kanilang “restaurant with wings” para sa isang araw lang sana at ito ay nitong nakalipas na Miyerkoles, subalit dahil sa mataas ang demand kaya nagbabalak sila ngayon na i-extend pa ito.
Ang restaurant ay nag-aalok ng kung hindi first class ay business class meals na kalimitang isini-serve sa kanilang international flights, kung saan ang “passengers” na sasakay sa Boeing 777 sa Haneda airport sa Tokyo, ay may dalang tickets nan aka-disenyo para magmukhang boarding passes.
Ayon sa kompanya, kasama sa mararanasan ng customers ang crew announcements, at ang pagkain ay isi-serve sa cabin seats, pero hindi na kailangan ang seatbelts.
Mataas ang demand sa kabila ng may kamahalang presyo — 59,800 yen para sa first-class meals at 29,800 yen para sa business class offering.
Ayon sa isang tagapagsalita . . . “The tickets for the restaurant sold out in a day, and the company now plans an additional 11 dates.”
Dagdag pa ng airline, maaaring i-extend pa nila ang kanilang serbisyo kung hindi na hihigpitan ang virus restrictions.
Ang “restaurant” ay nagpatupad naman ng virus measures, kung saan 60 seats lamang sa eroplano ang pwedeng okupahan para matiyak na mapananatili ang social distancing sa pagitan ng mga customer.
Hindi lamang ang ANA ang unang Asian airline na nag-alok ng meals sakay ng kanilang grounded planes.
Dalawang nakaparadang Singapore Airlines jets ang nagsilbi ng lunch at dinner sa daan-daang customers noong Oktubre ng nakalipas na taon, sa halagang 642 Singaporean dollars o katumbas ng 470 US dollars.
© Agence France-Presse