Japan at Pilipinas lumagda sa JPY253-B loan agreement para sa Metro Manila Subway
Nilagdaan na ng Pilipinas at Japan ang karagdagang pondo para sa Metro Manila Subway na nagkakahalaga ng JPY253 billion.
Ito ang ikalawang tranche ng loan agreement sa pagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at Department of Finance.
Sina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Eigo Azukizawa na JICA Chief Representative ang pumirma sa kasunduan para sa kauna- unahang underground railway.
Dumalo rin sa signing ceremony si Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa at Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan.
Ang second tranche loan na katumbas ng P112.87 billion o US$2.2 billion ay payable sa 27 taon na may grace period ng 13 years at total maturity period na 40 years.
Ang Metro Manila Subway ay bahagi ng flagship projects ng Duterte Administration sa ilalim ng
“Build, Build, Build” program.
Gamit ang cutting-edge Japanese tunneling technology, itatayo ang 27.5 kilometer railway line mula Valenzuela sa Bulacan hanggang sa Bicutan sa Taguig City at sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City na may 33.1 km electromechanical system.
Moira Encina