Japan manga artist at ‘Golgo 13’ creator na si Takao Saito, pumanaw na sa edad na 84

Pumanaw na sa edad na 84, ang manga artist na si Takao Saito, na lumikha sa pinaka creative na Japanese comic-book series of all time, ang “Golgo 13.”

Ang “Golgo 13,” na kuwento ng isang makasaysayang professional hitman, ay unang inilimbag noong 1968 at ginawa ring anime series, video games at dalawang live-action films.

Ang 201st edition ng “Golgo 13” ay lumabas nitong July 2021, kung saan na-break nito ang Guinness world record para sa “most volumes ever published of a single manga series.”

Si Saito na siyang sumulat at nagdibuho sa serye, ay namatay dahil sa pancreatic cancer ayon sa Shogakukan, publisher ng anrhology magazine na “Big Comic” kung saan na-serialised ang “Golgo 13.”

Pahayag ng Shogakukan . . . “We offer our heartfelt respect to Mr. Saito’s achievement and offer our deep condolences. We plan to continue Golgo 13 in cooperation with his staff, in accordance with his wishes.”

Si Saito ay isinilang sa western Wakayama prefecture noong 1936, at nagdebut sya sa mundo ng manga noong 1955 sa pamamagitan ng kaniyang “Baron Air.”

Ang tagumpay ng kaniyang “Typhoon Goro” noong 1960 ang nagdala sa kaniya sa Tokyo mula sa Osaka, kung saan niya itinatag ang sarili niyang production company.

Isa rin siya sa founders ng “gekiga,” isang realistic genre ng manga para sa adults na nagsimula noong 1950s.

Please follow and like us: