Japan nagkaloob ng grant assistance sa PH para sa training equipment ng junior gymnasts
Makatatanggap ang Pilipinas mula sa Japan ng gymnastic equipments na gagamitin sa pagsasanay ng mga Pilipinong junior gymnasts.
Ito ay matapos lumagda si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa kontrata para sa grant assistance sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP).
Ayon sa Japanese Embassy, nagkakahalaga ng Php7 milyon ang grant project.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ang GAP ng set ng gymnastics equipment apparatuses gaya ng parallel bars, vaulting boards, rings, beams, round horse, mats, at mga katulad nito.
Ang ilan sa mga equipment ay ginamit sa gymnastics competitions sa Tokyo 2020 Games.
Ang mga equipment ay ilalagay sa bagong gymnastics training facility ng GAP para sa mga batang gymnasts na bubuksan sa Calamba City, Laguna.
Moira Encina