Japan, sinimulan na ang paglulunsad ng bakuna sa healthcare workers
TOKYO, Japan (AFP) – Sinimulan na ng Japan ang pagbabakuna sa kanilang healthcare workers, makaraang ilunsad ang isang inoculation programme, halos limang buwan bago ang Tokyo 2020 Olympics.
Inaprubahan na ng Japan ang Pfizer/BioNTech vaccine, at sinimulan na itong ibigay sa healthcare wrokers sa isang Tokyo hospital kaninang umaga.
Si Tokyo Medical Centre director Kazuhiro Araki ang nag-volunteer para unang bakunahan.
Ayon kay Araki . . . “The vaccine plays an important role in anti-coronavirus measures. So I thought as a director I should take the lead and get the shot,” he told reporters afterwards. I don’t like getting shots very much, but it wasn’t painful, so it was good. I was relieved.”
Labingdalawang staff ng pasilidad ang binakunahan din sa harap ng media, kung saan 800 ang nakapila para tumanggap ng bakuna, kabilang ang administrative personnel.
Plano ng Japan na unang bakunahan ang 40,000 healthcare workers sa magkabilang panig ng bansa, at pag-aaralan ang epekto ng two-dose vaccine sa 20,000 sa mga ito.
Ang doses ay ibibigay na may tatlong linggong pagitan, kung saan ang mga kabilang sa study group ay inatasang magkaroon ng daily records ng anomang side effects o reactions.
Umaasa rin ang Japan na mabakunahan ang nasa 3.7 million health workers mula Marso, at simula naman sa Abril ay ang pagbabakuna sa mga nasa edad 65 pataas.
Kalaunan ang programa ay palalawigin sa mga may “preexisting conditions” o nagtatrabaho kasama ng mga matatanda at unti-unti ay sa buong populasyon, ngunit wala pang masyadong detalye hinggil dito.
Ayon kay MinisterTaro Kono, nangangasiwa sa vaccination program . . . “We have been focusing on how to smoothly vaccinate the elderly, so we haven’t yet been strategically thinking about future shots for young people.”
Sinabi pa nito na wala siyang ideya kung gaano karaming tao ang mababakunahan bago ang na-postpone na Tokto Olympics.
Aniya . . . “I’m not really taking the Olympics into my consideration. I need to roll out the vaccine as I get the supply from Europe.”
Ang Japan ay nakipagkasundo sa tatlong pangunahing pharmaceutical firms para sa pagbili ng sapat na COVID-19 vaccine doses para sa kanilang 126 na milyong populasyon.
Gayunman, ang Pfizer vaccine pa lamang ang nabigyan ng authorization bagama’t nagsumite rin ng request for approval ang AstraZeneca.
Ang approval process ng Japan ay mas mabagal kaysa ilang mga bansa, dahil humihingi pa ito ng dagdag na domestic trials.
Ngunit ang Japan ay may mas kakaunti ring outbreak kumpara sa Britanya o Estados Unidos, na pinaka grabeng tinamaan ng pandemya. Nakapagtala lamang ito ng halos 418,000 infections at higit pitong libo lamang ang nasawi.
Ang pagtaas sa mga kaso sa huling bahagi ng 2020 ay nagbunsod para ang gobyerno ay magpatupad ng isang state of emergency, na kasalukuyang umiiral ngayon sa Tokyo at iba pang bahagi ng bansa hanggang sa March 7.
Ang pagtugon ng Japan sa pandemya ay binabantayan, kung saan may mga pag-aalinlangan pa rin tungkol sa posibilidad na matuloy ang Olympics na nakatakdang magbukas sa July 23.
Naglatag na ng virus countermeasures ang mga opisyal at organiser ng Olympics, kung saan mapananatili anilang ligtas ang mga event kahit hindi na gawing requirement na bakunahan ang participants, o kaya naman ay isailalim sa quarantine pagdating nila sa Japan.
© Agence France-Presse