Japan, target na gawing quadruple ang kanilang overseas market para sa anime at games
Nakikita ng Japan, na siyang ‘birthplace’ ng comic at cartoon epics gaya ng “Dragon Ball” at game franchises mula sa “Super Mario” hanggang sa “Final Fantasy,” na magiging ‘driver’ ang creative industries para sa paglago na tulad ng paglago ng steel at semiconductors industry.
Sa kanilang revised “Cool Japan” strategy na inilabas nitong Martes, sinabi ng gobyerno na target nitong pasiglahin ang exports ng nabanggit na cultural assets ng hanggang 20 trilyong yen (halos $130 bilyon) pagdating ng 2033.
Ipinapakita ng government data, na noong 2022, ang gaming, anime at manga sectors ng Japan ay kumita ng 4.7 trillion yen ($30 billion) mula sa ibang bansa, malapit na kinita ng microchips exports na 5.7 trillion yen.
Nakasaad sa strategy document, “In recent years, content like anime and manga has played an extremely important role in attracting bigger and bigger young audiences abroad, serving as their ‘gateway’ to Japan.”
Ayon pa sa dokumento, “A pandemic-fuelled streaming boom helped boost the global profile of anime, including franchises like ‘Demon Slayer,’ which has had global box office hits.”
Ang umuusbong na “Vtubers” phenomenon, o virtual animated YouTubers, na naglalaro ng video games ay nakatulong din sa pagpapasigla sa international soft power ng Japan.
Kung isasama ang paglago ng nabanggit na mga sektor sa kaugnay na mga industriya kabilang ang fashion, cosmetics at inbound tourism, tinatarget ng Japan ang isang ‘economic benefit’ na 50 trillion yen pagdating ng 2033.
Isinama rin sa strategy ang planong higpitan ang crackdown sa piracy websites, na ilegal na namamahagi ng anime at manga sa mga lengguwaheng gaya ng English at Vietnamese.
Sinabi sa strategy document, “Strengthening measures against piracy websites is essential to expanding the global market, because some of their advertising revenue can go to criminal syndicates. Swift intergovernmental action is needed to tackle this piracy crisis.”