Japanese Ambassador to the Phils. Kazuhiko Koshikawa, personal na nag-inspeksyon sa MRT
Sumakay sa isa sa mga bagong overhaul na tren ng MRT- 3 si Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa.
Mula sa Ayala Station, nagtungo ito sa North Avenue station kasama si Transportation Secretary Arthur Tugade at iba pang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3
Personal na binisita ni Koshikawa ang MRT-3 depot at ininspeksyon ang mga bagong kagamitan at pasilidad ng tren.
Kabilang sa mga ininspeksyon ng Japanese ambassador ang mga bagong depot equipment at facilities gaya ng balancing machine, wheel press machine, rerailing equipment, vertical storage carousel, carbon filter box, pressure washer, blast booth at painting booth.
Ang pagpapabilis kasi ng takbo ng mga tren ay resulta ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3 sa buong linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.
Meanne Corvera