Japanese Embassy nagpasalamat sa DOJ sa deportasyon sa apat na wanted na Hapon
Pinasalamatan ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko si Justice Secretary Crispin Remulla matapos na maipadeport ang apat na puganteng Hapon.
Sa isang pahinang sulat, nagpasalamat ang Japanese envoy sa kalihim sa pag-unawa at kooperasyon nito sa pagpapadeport ng apat na Hapones.
Ayon sa ambassador, hindi makakalimutan ng gobyerno ng Japan ang ipinakita na pangunguna ni Remulla.
Hangad naman ni Koshikawa na lalo pang mapaigting at mapalalim ang ugnayan nila sa lahat ng aspeto sa justice department ng Pilipinas.
Noong nakaraang Martes at Miyerkules ay tuluyan nang napabalik sa Japan ang apat na pugante na idinadawit sa mga serye ng mga robbery doon kabilang na ang sinasabing lider nito na si alyas Luffy.
Moira Encina