Japanese gaming tycoon Kazuo Okada, inilagay na sa Immigration lookout bulletin order
Inilagay na sa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO ang Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada.
Sa kautusan na may lagda ni justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nakasaad na ang ILBO ay bunsod ng kahilingan ng Tiger Resort, Leisure and Entertainment Incorporated o TRLEI.
Si Okada ay sinampahan ng TRLEI ng magkahiwalay na reklamong Estafa at Perjury sa Makati Prosecutor’s office.
Inakusahan ng Tiger resort si Okada ng illegal disbursement of company fund na aabot sa 3 million US Dollars.
Sa ilalim ng lookout bulletin, inatasan ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na maging mapagmatyag kapag namataan si Okada sa mga paliparan at seaports.
Ulat ni Moira Encina