Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nagsagawa ng congressional address sa kongreso ng Pilipinas
Nagpatawag si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ng joint special session ng dalawang kapulungan ng kongreso sa pangunguna nina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri, dahil naka-recess ang sesyon ng kongreso.
Kaugnay ito ng pagdating sa bansa ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida, para sa dalawang araw na official visit na inaasahang lalong magpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at Japan sa larangan ng ekonomiya at depensa.
Bahagi ng official schedule ni Kishida ang kaniyang congressional address sa kongreso ng Pilipinas.
Batay sa bilateral meeting nina Kishida at Pangulong Marcos, Jr., ay tatlong mahahalagang larangan ang pinalakas sa pagitan ng Pilipinas at Japan na may kinalaman sa security at defense cooperation, economic at people to people exchange at regional cooperation.
Nagkaroon ng exchange of notes na may kinalaman sa probisyon ng Coastal Surveillance Radar System sa ilalim ng Official Security Assistance o OSA, na nagsasaad na patuloy na palalakasin ng Japan ang kooperasyon sa defense equipment and technology kasama ang transfer of warning and control radars, maritime security capacity building, gayundin ang pagsisimula ng negosasyon sa Reciprocal Access Agreement o RAA at pagpapatibay ng enhance colaboration sa larangan ng cyber security at economic security.
Sinuportahan rin ni Kishida ang Build Better More o BBM policy ng Marcos, Jr., administration kasama ang development of infrastructure sa Pilipinas, na pinopondohan ng Official Development Assistance o ODA.
Ang Japan ang pinagmumulan ng pinakamalaking pondo ng ODA ng pamahalaang Pilipinas.
Vic Somintac