Jardeleza: Arbitration ruling sa West PH Sea, lasting legacy ni Aquino
Naniniwala si dating Solicitor General at retired Supreme Court Justice Francis Jardeleza na maaalala si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagsulong nito ng arbitration case ukol sa West Philippine Sea sa international tribunal.
Si Jardeleza ay appointee ni Aquino sa Office of the Solicitor General at Korte Suprema.
Ayon kay Jardeleza, ang arbitration decision ang ‘lasting legacy’ ni Aquino sa sambayanang Pilipino.
Mabibigyang karangalan aniya ng mga Pilipino si Aquino sa pamamagitan ng pagtulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga presidente sa hinaharap na bumuo ng enforcement mechanism para maipatupad ang arbitration ruling.
Moira Encina