JBC itinakda sa Agosto 11 at 12 ang public interview sa 11 aplikante sa bakanteng puwesto sa SC
Umaabot sa 11 ang aplikante para sa binakanteng posisyon sa Korte Suprema ni retired Associate Justice Edgardo delos Santos.
Kabilang sa mga naghain ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) sina Court Administrator Jose Midas Marquez at Deputy Court Administrator Raul Villanueva.
Gayundin, sina Court of Appeals Justices Apolinario Bruselas Jr., Japar Dimaampao, Ramon Cruz, Maria Filomena Singh, at Ronaldo Roberto Martin.
Nagsumite rin ng aplikasyon si Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje- Tang at Associate Justice Geraldine Faith Econg.
Mga aplikante rin sina COMELEC Commissioner at dating Justice Usec. Antonio Kho Jr, at Finance Usec. Antonette Tionko.
Kaugnay nito, itinakda ng JBC ang online public interview ng mga nasabing aplikante sa August 11 at 12.
Sa Agosto 11, naka-iskedyul sumalang sa JBC interview sina Kho, Tionko, Bruselas, Cabotaje-Tang, at Cruz habang sa Agosto 12 sina Dimaampao, Martin, Econg, Singh, Marquez, at Villanueva.
Moira Encina