Jimin ng BTS, nasa recovery stage na matapos maoperahan
Inihayag ng BIGHIT MUSIC na sumailalim sa operasyon si Jimin ng K-Pop supergroup na BTS dahil sa acute appendicitis. Nagpositibo rin siya sa Covid-19.
Sa statement na kanilang ibinahagi sa WeVerse, sinabi ng kompanya na si Jimin ay nakaranas ng biglang pananakit ng tiyan at mild sore throat noong Linggo ng hapon.
Ayon sa statement . . . “He visited a hospital emergency room for thorough examination, and also took a PCR test. Jimin was diagnosed with acute appendicitis, and was tested positive for COVID-19. He underwent surgery following physician advice early morning on Monday, January 31.”
Sinabi ng medical staff na nag-asikaso kay Jimin na tagumpay ang operasyon, at ang singer ay nasa recovery stage na.
Nakasaad pa sa statement . . . “He will be receiving a few days of in-patient treatment for COVID-19 in conjunction with post-operative care. He is currently experiencing mild sore throat, but is making a speedy recovery.”
Sinabi pa ng BIGHIT MUSIC, na si Jimin ay hindi nagkaroon ng kontak sa iba pang miyembro ng BTS sa panahon ng “infectious stage.”
Tiniyak ng kompanya na mahigpit silang makikipagtulungan sa healthcare authorities para matiyak na si Jimin at ang iba pa nilang artists ay mananatiling ligtas at malusog.