Jin ng BTS, nakatapos na ng kaniyang military service

BTS superstar Jin (C) is greeted by bandmates RM (R) and Jimin after being discharged from his mandatory military service / Jung Yeon-je / AFP

Na-discharge na ngayong Miyerkoles, ang K-pop megastar na si Jin ng BTS mula sa kaniyang South Korean military service.

Sinalubong siya ng yakap ng kaniyang bandmates, habang pinatugtog naman ni RM sa kaniyang saxophone ang hit nilang kanta, bilang bahagi ng selebrasyon.

Lahat ng pitong miyembro ng pinakasikat na boy band sa mundo ay kailangang sumailalim sa military service, dahil mandatory ito sa lahat ng lalaking South Korean na wala pang trenta anyos.

Jin, the oldest member of BTS, was the first to enlist for military service, which all South Korean men under 30 must perform / Jung Yeon-je / AFP

Si Jin, na pinakamatanda sa banda at siyang unang nag-enlist, ay lumabas sa gate ng army base sa northern Yeoncheon county ng South Korea kaninang umaga, kung saan sinalubong siya nina J-hope, V, RM, Jungkook at Jimin.

Suot ang kaniyang military uniform, si Jin ay niyakap at binigyan ng higanteng flower bouquet ng kaniyang bandmates, habang pinatugtog naman ni RM sa kaniyang saxophone ang mega-hit ng BTS na “Dynamite.”

Sa labas ng army base ay nagsabit naman ang fans ng BTS na tinatawag na Army ng makukulay na banners at higanteng lobo na may mga nakasulat na pagbati kay Jin.

Ang Yeoncheon county mismo ay nagsabit din ng sarili nilang banner kung saan nakasulat, “BTS Jin, The last year and a half was a joy for us. Yeoncheon will not forget you!”

Jin’s bandmates, who are still performing their military service, reportedly took leave from their duties to mark his discharge / Jung Yeon-je / AFP

Sa unang bahagi ng linggong ito ay inanunsiyo ng HYBE, ang agency ng BTS, sa Weverse, isang superfan social media platform, ang paglabas ni Jin.

Lumabas si Jin bago ang 11th anniversary ng debut ng grupo, kung saan ang tanggapan ng HYBE sa Seoul at ilang local cafes ay pinalamutian ng purple bilang tanda ng okasyon.

Bukas, Huwebes, si Jin ay lalahok sa isang “huggathon,” kung sasan yayakapin niya ang isanglibong fans na nanalo sa raffle na ginawa ng Weverse, bago ang una niyang pagtatanghal sa loob ng dalawang taon.

Ayon kay Yoo Sung-man, isang analyst sa Leading Investment and Securities, “It is significant that Jin did his military service without any problem, since for a K-pop male idol serving in the military is the biggest issue, for their career.”

Aniya, “Jin’s discharge is a positive sign for entertainment stock prices. K-pop female idols have been performing well but there has been an absence for mass male idols. Once Jin resumes his solo performances it will definitely lead to an increase (in stock price).”

Jin’s discharge comes just ahead of the 11th anniversary of the group’s debut / Jung Yeon-je / AFP

Ang share price ng HYBE ay tumaas ng dalawang porsiyento sa early trading ngayong Miyerkoles.

Dagdag pa ni Yoo, “BTS accounts for a large proportion of profit in HYBE, it is very encouraging that the discharge of BTS members has begun.”

Ang susunod na BTS member na matatapos ay si J-hope, na idi-discharge na sa Oktubre, habang makukumpleto naman ang military service ng iba pang miyembro ng grupo sa June 2025.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *