Job generations program ng gobyerno nararamdaman na

Photo: psa.gov.ph

Nararamdaman na umano ang job generation programs ng gobyerno.

Kasunod ito ng Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Abril 2023, kung saan bumaba sa 4.5% ang bilang ng walang trabaho kumpara sa 5.7% noong nakaraang taon.

Ayon sa PSA, ang bilang ng unemployed persons noong Abril 2023 ay 2.26 milyon, mas mababa sa 2.76 milyong unemployed noong Abril ng 2022.

Nitong Abril 2023, tumaas sa 95.5% o katumbas ng 48.06 milyon ang bilang ng mga Pinoy na may trabaho, mas mataas sa 94.3% o 45.63 milyon lamang sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa tala pa ng PSA, tumaas sa 65.1% ang Labor Force Participation Rate noong Abril.

Dagdag pa ng PSA, ang services sector ang nananatiling may pinakamataas na bahagi ng mga may trabaho na sinundan ng agriculture at industry sector.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *