John Arcilla ng Pilipinas, wagi bilang best actor sa Venice Film Festival
Ang Phillipines actor na si John Arcilla ang surprise choice para sa best acting award sa Venice Film Festival.
Napagwagian ng 55 anyos na aktor ang best actor award para sa kaniyang papel sa “On the job: The missing 8,” isang crime thriller na ang paksa ay korapsiyon at fake news.
Ayon sa video message ni Arcilla . . . “I’m the happiest actor tonight also because I know we come from different countries and we have different languages and cultures, yet I can feel the oneness because of the art of cinema.”
Bagama’t iprinisinta bilang isang pelikula sa festival, nakatakda itong gawing isang six-part mini-series para sa HBO.
Ayon sa The Hollywood Reporter . . . “Arcilla’s role is pure fantasy but his performance was possessed of a bracingly righteous anger at a debased form of governance that transcends borders.”
Ang pelikula ay sequel sa 2013 film “On the Job” ng direktor na si Erik Matti, na naging matagumpay ang pagpapalabas sa Pilipinas. Istorya ito ng mga presong ginamit ng gobyerno bilang hitmen.
Si Arcilla ay nanalo na ng maraming awards sa Pilipinas para sa mga ginampanan niyang papel sa telebisyon at pelikula.
Marahil ay mas nakilala si Arcilla sa kaniyang papel sa “Heneral Luna,” isang 2015 biopic tungkol sa makasaysayang 19th century military commander na si Antonio Luna.