John Paul Solano at 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity, sinampahan ng DOJ ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ng UST Law student na si Atio Castillo

Kinasuhan na ng DOJ sa Manila RTC ng paglabag sa Anti -hazing law sina John Paul Solano at 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity kaugnay sa pagkamatay ng UST Law student na si Atio Castillo III.

Ito ay matapos makitaan ng probable cause ng DOJ Panel of prosecutors ang reklamong inihain ng Manila Police District laban sa mga respondents.

Partikular na kinasuhan sa korte sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munro Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos.

Samantala, bukod sa paglabag sa anti- hazing law, sinampahan din si Solano ng kasong perjury at obstruction of justice.

Walang inirekomendang piyansa ang DOJ para sa kasong hazing laban sa mga respondents.

Ibinasura naman ang reklamo laban kina UST Civil Law Dean Nilo Divina at Faculty Secretary Arthur Capili dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Dismissed din ang reklamo sa sampung iba pang miembro ng frat at mga Board of trustees ng Aegis Juris foundation dahil sa kawalan ng probable cause.

Ibinasura rin ang mga reklamo laban kay Mark Anthony Ventura na tumestigo laban sa mga  sangkot sa hazing at nagpasailalim sa witness protection program ng DOJ.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *