Joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea , pinabubuhay
Isinusulong ni Senador Robin Padilla na muling buksan ang joint exploration ng Pilipinas sa China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Padilla napapanahon na makipagnegosasyon ang Pilipinas para magkaroon ng sapat na suplay na langis at enerhiya ngayong mataas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan at maraming utang ang Pilipinas dahil sa epekto ng pandemya .
Ang China lang raw kasi ang may kakayahan at sapat na makinarya para magsagawa ng Joint Exploration.
Sinabi ng Senador maaari namang makipag- usap ang Pilipinas sa China tulad sa isang transaksyon sa negosyo .
Pero hindi ito nangangahulugang isinusuko ng bansa ang teritoryo ng Pilipinas.
Pinabulaanan naman ni Padilla ang mga alegasyong kinubkob na ng China ang ilang islang pag- aari ng Pilipinas.
Katunayan, ilang pa lang ang nakalilipas, bumisita siya sa mga inaangking isla at wala pa namang bakas na nasakop na ito ng China.
Ang masakit lang aniya sakop ng teritoryo ng Pilipnas ang mga isla pero kulang ang ating pwersa para bantayan at protektahan laban sa mga tsino.
Meanne Corvera