Joint venture ng ABS CBN at TV 5 pinaiimbestigahan ni sagip PARTYLIST Representative Rodante Marcoleta
Hiniling ngayon ni Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta na imbestigahan ng Philippine Competition Commission o PCC at National Telecommunications Commission o NTC ang joint venture agreement sa pagitan ng ABS CBN at TV 5.
Ito ang laman ng privilege speech ni Congressman Marcoleta sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni Marcoleta na may malinaw na paglabag sa umiiral na Anti Trust Law ng bansa ang ABS CBN/ TV 5 joint venture agreement.
Ayon kay Marcoleta kailangang maimbestigahan ng PCC ang binabanggit na joint venture agreement ng dalawang TV stations para masawata ang monopoly or market power sa media industry.
Inihayag ni Marcoleta na wala ng legal personality ang ABS CBN bilang media entity dahil hindi na binigyan ng Kongreso ng franchise to operate ang media company ng pamilya Lopez.
Vic Somintac