Jollibee fastfood chain, inatasan ng DOLE na iregular ang mahigit 6,000 na empleyado nito

Jollibee fastfood chain, inatasan ng DOLE na iregular ang mahigit 6,000 na empleyado nito

Inatasan na ng DOLE ang isang kilalang fastfood chain na i-regular ang mahigit 6,000 manggagawa nito sa harap ng patuloy na kampanya ng Gobyerno laban sa iligal na kontraktuwalisasyon.

Ayon kay DOLE -NCR Director Henry John  Jalbuena, ipinag-utos na ng kanilang tanggapan sa Jollibee Foods Corporation o JFC na gawing regular ang estado ng 6,482 manggagawa na itinalaga ng dalawang kontraktor nito.

Batay pa sa compliance order ng DOLE, ipinababalik nito sa Jollibee ang mga iligal na kinolektang bayarin sa 426 na manggagawa nito na nagkakahalaga ng 15.4 million pesos  para sa Coop Share, Coop Savings Fund at Paluwagan Fund.

Inutusan din ang limang kontraktor ng JFC na ibalik ang mga ibinawas na sweldo at mga kinolektang donasyon, share at iba pang iligal na koleksyon ng pera sa 412 na manggagawa na nagkakahalaga ng 4.14 million pesos.

Ilan sa mga kontraktor na may pangunahing pananagutan ang Citiwide Basic Commodities at Manpower Services, Inc.

Gayundin ang Generation One Resource Service at Multi-Purpose Cooperative, Integral Care Formation Service Cooperative at Metro-Guards Security Agency Corporation.

Una nang naglabas ng compliance order ang DOLE sa Perf Restaurant o Burger King para i-regular ang 700 manggagawa nito.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *