Joma Sison at 37 iba pang opisyal at miyembro ng CPP-NPA, pinapaaresto ng Korte
Nagpalabas ng arrest warrant ang isang Korte sa Maynila laban kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Ssion at 37 iba pang opisyal at miyembro ng komunistang grupo.
Sa warrant of arrest na inisyu ni Manila RTC branch 32 Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, ipinaaaresto nito sina Sison, asawa nito na si Juliet at iba pang lider ng CPP-NPA kaugnay sa Inopacan massacre sa Leyte noong dekada 80’s.
Nahaharap sina Sison sa 15 counts ng murder.
Walang inirerekomendang piyansa ang Korte para sa mga akusado.
Ipinag-utos ang pagdakip kina Sison matapos makitaan ng hukuman ng probable cause na ginawa ng mga akusado ang mga paratang laban sa kanila.
Ang kaso laban sa mga akusado ay isinampa noong 2006 matapos madiskubre ang mga buto ng 67 biktima ng masaker sa isang shallow grave sa Subang Daku, Inopacan , Leyte.
Sa nasabing mass purging ng grupo, nasa 300 biktima ang pinatay ng NPA dahil sa hinala na may koneksyon ang mga ito sa militar.
Kabilang pa sa pinaaresto ng Korte sina:
Dating CPP chair Rodolfo Salas alias Ka Bilog; NDFP consultant Leo Velasco; Jose Luneta; Geronimo Pasetes; NDFP peace consultant Prudencio Calubid; NDFP senior adviser Luis Jalandoni; NDFP consultant Sarmiento Eduardo; Francisco Pascual, Jr.; Mil Lominion; Fortunato Felicilda; Benjamin Beringel; Quirino Quinawayan; Fernando Rachel; Pecario Sonana; Jesus Solayao; Lino Salazar; Alfredo Taladro; Tito Gabar; Muco Lubong; Felix Dumali; Ciriaca Malimot; Luzviminda Orillo; Anselmo Balduhesa; Alfredo Mabingay; Bertino Oroza; Bonifacio Padoc; Rodrigo Paplona; Prescillono Beringel; Anastacio Dorias; Nick Ruiz; Sammy Labarda; Charlie Fortaliza; Luis Villena; Rolando Caballera; Donata Lumbrento; at Luz Abejo.
Ulat ni Moira Encina