Joma Sison, hinamon ni Pangulong Duterte na bumalik ng Pilipinas para dito makipaglaban
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na bumalik ng Pilipinas para dito makipaglaban.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa press briefing sa Guihulngan City, Negros Oriental nang dumalaw sa burol ng mga pulis na napatay sa ambush ng New People’s Army.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kung matapang at tunay na lider rebolusyonaryo si Sison, dapat pangunahan ang laban dito sa bansa at hindi nagpapasarap sa abroad kung saan ito nagtatago.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakakaawa ang mga NPA na lumalaban sa ground lalo ang mga Lumad habang ang lalaki ng pera ng kanilang mga lider at nagpapasarap sa mga nakokolekta mula sa mga negosyante.
Kasabay nito, napagdiskitahan din ng pPangulo si dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na umano’y mayabang at sobrang laki ng ulo.
Iginiit ni Pangulong Duterte na wala namang naimbag si Casiño sa kapakanan ng bayan kundi pagnanakaw at paninira.