Joy Belmonte at Gian Sotto, naiproklama na bilang mayor at vice mayor sa Quezon City
Pormal ng ipinroklama ng City of board of canvassers sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto bilang nanalo sa Quezon City.
Si Belmonte ay nakakuha ng 469480 votes, mas lamang kay Bingbong Crisologo na may 366215 votes.
Si Sotto naman ay may 382393 votes laban kay Jopet Sison na may 343473 votes.
Kapwa nagpasalamat sina Belmonte at Sotto sa mga sumuporta at bumoto sa kanila sa katatapos na May 13, 2019 midterm elections.
Tiniyak naman nina Belmonte at Sotto na ipagpapatuloy nila ang mga proyektong makatutulong sa mga taga-QC lalo na sa edukasyon, kalusugan, pabahay, trabaho at iba pa.
Maging ang anti-drug war ng gobyerno ay ipagpapatuloy bg mga ito subalit sinisiguro nila na ang kapakanan ng mga drug users na nais magbaging buhay ay kanilang tututukan.
Kinumpirma naman ni Belmonte na sa Enero ng susunod na taon ay okay na ang automation system upang mabawasan ang kurapsyon sa mga transaksyon sa munisipyo.
Ulat ni Eden Santos