Judge Guerrero ng Muntinlupa RTC, ipinagtanggol ni Sec. Aguirre

Screenshot_2017-02-24-10-13-46-1

Ipinagtanggol ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang hukom na nag-utos ng pag-aresto kay Senadora Leila de Lima.

Sa harap ito nang pagkwesyon ng kampo ni de Lima at mga tagasuporta nito na mabilis ang pag-iisyu ng warrant of arrest ni Muntinlupa RTC branch 204 Judge Juanita Guerrero laban sa Senadora.

Ayon sa kalihim hindi dapat matagalan ang paglalabas ng arrest order lalo na at walang kontra salaysay na inihain noon si de Lima kaya ang kaso na isinampa ng DOJ ang pinag-aralan ng Judge at pinagbatayan nito para sa pagdetermina sa probable cause.

Iginiit ni Aguirre na walang ibang dapat sisihin ang kampo ni de Lima kundi sila rin mismo dahil sa patuloy na paggiit nila na ang Ombudsman ang may hurisdiksyon sa kaso nitong illegal drug trade.

Kung tutuusin aniya –mabagal pa ang pagpapalabas ng arrest warrant dahil noong nakaraang Biyernes pa naisampa ang kaso sa Muntinlupa court.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *