Judicial and Bar Council sinimulan na ang public interview para sa mga aplikante para sa posisyon ng Chief Justice
Sinimulan na ng Judicial and Bar Council ang makasaysayang public interviews sa mga kandidato para sa posisyon ng Chief Justice.
Ang limang aplikante para sa pwesto ay sina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Teresita Leonardo- De Castro, Diosdado Peralta, Andres Reyes Jr at Tagum City Regional Trial Court Branch 1 Judge Virginia Tehano-Ang.
Ang JBC interview ay pinangunahan ni Senador Richard Gordon at dumalo naman ang mga miyembro na sina Retired SC Associate Justice Jose Catral Mendoza, Atty Milagros Fernan- Cayosa ng IBP at retired RTC Judge Toribio Ilao Jr.
Una sa sumalang sa panayam sa umaga si Justice Bersamin, sumunod si Justice De Castro at pangatlo si Justice Peralta.
Sa hapon naman na JBC public interview humarap si Justice Reyes at Judge Tehano-Ang.
Ang sinomang mahihirang sa mga ito ang pinakaunang appointee ni Pangulong Duterte na Punong Mahistrado.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: