Judicial reforms projects, tinalakay sa courtesy call ng USAID-American Bar Association Rule of Law Initiative kay Chief Justice Gesmundo
Nag-online courtesy call kay Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga opisyal ng United States Agency for International Development (USAID)- American Bar Association Rule of Law Initiative (ABA ROLI).
Sa courtesy call, tinalakay ang mga judicial reforms projects sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Kabilang na rito ang pagpapatupad ng Korte Suprema ng ACCESS project na suportado ng ABA ROLI.
Layon ng nasabing proyekto na mapalakas ang advancement ng rule of law at access sa hustisya sa pamamagitan ng legal awareness at legal aid services sa vulnerable communities at pagsuporta sa institutionalization ng pro bono legal services at iba pa.
Ilan sa mga future initiatives na isinulong ng ABA ROLI ay ang pagkuha sa tulong ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Chapters para magkaloob ng pro bono services.
Suportado ni Gesmundo ang nasabing inisyatiba at ipinanukala na tulungan ng local IBP Chapters ang mga law schools.
Aniya maaaring tulungan ng IBP Chapters ang law student practitioners sa pagsulat ng pleadings, pagprisinta ng kaso at pagsasagawa ng eksaminasyon ng mga testigo.
Iminungkahi rin ni Gesmundo sa ABA ROLI kung paano nito mari-rebyu ang kasalukuyang training programs sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Judicial Academy.
Gayundin, ang pag-redesign sa mga kurso na tutuon sa pag-develop ng skills sa mga hukom at pagsasanay sa innovative approaches sa pagtuturo ng legal ethics.
Binanggit din ng punong mahistrado ang pangangailangan sa pagsasanay sa Court Annexed Mediation para mapaghusay ang kakayanan ng mga mediators.
Sumaksi rin sa courtesy call ang ilang mahistrado at opisyal ng Korte Suprema.
Moira Encina