Julian Ongpin inirekomenda ng DOJ na kasuhan ng possession of illegal drugs sa korte
Nakitaan ng DOJ panel of prosecutors ng probable cause para sampahan sa korte ng kasong possession of dangerous drugs si Julian Ongpin.
Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Emmeline Aglipay- Villar, ang kaso laban kay Ongpin ay ihahain sa San Fernando City, La Union Regional Trial Court.
Non-bailable ang nasabing kaso laban kay Ongpin.
Una na ring nagisyu ang RTC ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Ongpin noong Oktubre 8.
Si Ongpin na anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin ang huling nakitang kasama ng visual artist na si Bree Jonson nang matagpuan itong walang malay sa kuwarto sa isang resort sa La Union noong September 18.
Ipinagharap ng reklamong drug possession si Ongpin ng pulisya sa piskalya sa La Union matapos na makita ang 12.6 grams ng cocaine sa kuwarto na tinutuluyan ng dalawa
Inilipat naman sa DOJ ang paghawak ng reklamo matapos na ipagutos ni Justice Sec. Menardo Guevarra.
Si Ongpin ay una na ring humarap sa NBI na nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni Jonson.
Moira Encina