June 30, idineklarang special non-working holiday sa Maynila dahil sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Idineklara ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Hunyo a-30, Huwebes, bilang isang special non-working holiday sa Maynila kaugnay ng nakatakdang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas na gaganapin sa National Museum.
Inatasan din ni Domagoso ang Manila Police District (MPD) at lahat ng law enforcement officers, kabilang na ang barangay officials, na mahigpit na ipatupad ang security measures sa nasabing petsa.”
Ayon sa alkalde ng Maynila . . . . “To ensure the safety, security and protection of participants to this momentous event, the City Government of Manila, in coordination with the concerned agencies of the national government, has to close various thoroughfares in and around the perimeter of the inaugural venue which will undeniably affect the flow of traffic of both motorists and the riding public.”
Dagdag pa niya . . . “It is but fitting and proper that all citizens of the country, in general, and residents of the City of Manila, in particular, be given full opportunity to witness and welcome this significant event in the life of the nation.”
Ang National Museum ay nasa Padre Burgos Avenue, Ermita, Manila na isang pangunahing avenue sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa alkalde, ang makasaysayang gusali, na dating kilala bilang Old Legislative Building, ay nagsilbi ring venue ng inagurasyon ng mga dating pangulo ng bansa na sina former presidents Manuel L. Quezon noong 1935, Jose P. Laurel noong 1943, at Manuel Roxas noong 1946.
Ang executive order no. 53 ni Domagoso na nagdedeklara sa June 30 bilang “special non-working holiday” sa buong lungsod ng Maynila, ay ipinalabas noong Miyerkoles, June 22, 2022.
Ang inagurasyon na gaganapin sa hapon ng araw na nabanggit, ay magiging hudyat ng pagsisimula ng pagkapangulo ni Marcos, Jr., at katapusan naman ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Higit 15,000 mga pulis at iba pang security personnel ang itatalaga para mangalaga sa seguridad ng pagdarausan ng inagurasyon.
Kaugnay nito, simula noong sa darating na Lunes, June 27 ay magpapatupad na ng gun ban sa Metro Manila.