June Inflation Rate sa bansa bumagal pa ayon sa PSA
Patuloy na bumaba ang Inflation Rate sa bansa nitong buwan ng Hunyo.
Ito ang report na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ni National Statistician at Civil Registrar general Undersecretary Dennis Mapa.
Sinabi ni Undersecretary Mapa na naitala ang June 2023 inflation rate na 5.4 percent mababa ng 0.7 percent kumpara sa naitalang inflation rate sa bansa noong buwan ng Mayo na 6.1 percent.
Inihayag ni Mapa na pangunahing nag-ambag sa pagbagal ng inflation rate sa bansa ay ang pagbaba sa presyo ng mga pagkain tulad ng karne at mga prutas gayundin ang mga beverages, pangalawa ay ang pagbaba ng presyo ng transportasyon dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel sa pangkalahatan, pangatlo ay ang pagbaba ng presyo ng mga pabahay, tubig at elektrisidad.
Inamin ni Mapa na sa third at fourt quarter ng taon ay maaapektuhan ang pagbagal ng inflation rate sa bansa dahil magkakaroon ng pagbabago sa food production dulot ng El Niño phenomenon.
Vic Somintac